Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Para sa mga Magulang: Pangangalaga sa Diabetes (6 hanggang 11 taon)

Hindi laging madali ang pangangalaga sa diabete sa mga bata. Maaaring tila napakaraming dapat mong tandaan. Ngunit hindi mo ito kailangang gawin nang mag-isa! Makikipagtulungan ka sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, nars, tagapagturo sa diabetes, dietitian, at iba pang tao para bumuo ng plano ng pamamahala ng diabetes. Gamitin ang mga payo sa pahinang ito upang matulungan kang mag-adjust sa pamamahal ng diabetes ng iyong anak. Dapat mayroon kang plano ng pamamahala ng diabetes na nagsasabi sa iyo kung ano ang dapat gawin para sa diabetes ng iyong anak. Dapat kasama rito ang:

  • Kung ano-anong gamot ang iniinom ng iyong anak, paano inumin ang mga ito, at kailan gagamitin ang bawat isa

  • Paano suriin ang mga asukal sa dugo

  • Ano-ano ang mga sintomas ng mababang asukal sa dugo (hypoglycemia) at paano gagamutin ito

  • Ano-ano ang mga sintomas ng mataas na asukal sa dugo (hyperglycemia) at paano gagamutin ito

  • Paano bibilangin ang mga carbohydrate (mga carb) sa bawat pagkain o meryenda

  • Ano ang gagawin sa pisikal na aktibidad at sports

  • Ano ang gagawin kung may sipon o trangkaso ang iyong anak, halimbawa

  • Ano ang gagawin sa isang emergency

Siguraduhin din na talakayin ang pag-aasikaso sa daycare at paaralan sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. 

Pagsusuri ng asukal sa dugo ng iyong anak

Susuriin mo ang asukal sa dugo ng iyong anak gamit ang lancing device sa mga gilid ng dulo ng kanyang mga daliri. Sa una, maaaring matakot ang iyong anak sa mga finger stick para sa pagsusuri ng asukal sa dugo. Maaaring mabawasan ng lancing device na pinananatili sa pinakamababang setting ang kirot at takot na nauugnay sa pagsusuri ng asukal sa dugo. Maaari mong matulungan ang iyong anak na makaramdam na mas may kontrol siya. Hayaan siyang pumili ng daliri na gagamitin para sa pagsusuri. Kung kinakailangan, magbigay ng mga premyong hindi pagkain, gaya ng mga sticker o oras para maglaro ng mga paboritong laro. Makakatulong ito sa iyong anak na mas bumuti ang pakiramdam tungkol sa pagsusuri ng asukal sa dugo. Sa tulong mo, matututunan ng iyong anak na gawin ang sarili niyang mga pagsusuri ng asukal sa dugo (nang may pamamahala). Maraming bata sa edad na ito ang matututo na makilala ang mga palatandaan ng mababang asukal sa dugo. Pero kakailanganin mo pa ring siguraduhin na nasusuri nang regular ang asukal sa dugo ng iyong anak. Suriin ang asukal sa dugo ng iyong anak nang kasing dalas ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga. Maaaring kailanganin mo ring suriin ang kanyang mga lebel ng asukal sa dugo kapag pinaghihinalaan mo ang hypo- o hyperglycemia.

Pagsusuri para sa mga ketone

Kung minsan, maaaring kailangan mong suriin ang ihi ng iyong anak para sa mga ketone. Ang mga ketone ay mga kemikal na ginagawa kapag ang taba, sa halip na glucose, ang sinusunog para sa enerhiya (ketosis). Sundin ang mga tagubilin na kasama ng mga strip at mula sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, nars, o tagapagturo sa diabetes. Kung may mga ketone, palaging tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Gumagamit din ang ilang tao ng mga glucose at ketone monitor na pambahay para suriin ang dugo para sa ketosis. Magtanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, nars, o tagapagturo tungkol sa diabetes para sa karagdagang impormasyon.

Pamamahala ng mababang asukal sa dugo

Napakahalaga na hindi labis na bumaba ang asukal sa dugo ng iyong anak. Maaaring makaapekto sa umuunlad na utak ng isang bata ang napakababang asukal sa dugo (hypoglycemia). Kaya kontrolin ang asukal sa dugo ng iyong anak hangga't maaari nang hindi ito hinahayaang maging napakababa. Hindi laging masasabi sa iyo ng mga bata kapag mababa ang kanilang asukal sa dugo. Sa paglipas ng panahon, matututunan mo kung ano ang normal para sa iyong anak. Tutulong ito sa iyo na makilala ang mga sintomas ng mababang asukal sa dugo. Bigyang-pansing mabuti kung paano kumikilos ang iyong anak. Maaaring may mababang asukal sa dugo ang iyong anak kung siya ay:

  • Labis na gutom

  • Maputla

  • Sumpungin o iritable

  • Namamawis

  • Inaantok (matamlay)

  • Nakatitig sa kalawakan o hindi interesado

  • Nanginginig

  • Nalilito o nahihirapang mag-concentrate 

  • Nagrereklamo ng mga problema sa paningin, pananakit ng ulo, o bangungot 

  • Walang koordinasyon

  • Nahihilo

Kung naghihinala ka na may mababang asukal sa dugo ang iyong anak, suriin ito kaagad. Kung ang resulta ay mababa sa 70 mg/dL, o isa pang numero na ipinayo ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, kumilos. Gamutin kaagad ang iyong anak gamit ang asukal na mabilis ang bisa gaya ng sinabi sa iyo ng tagapangalaga ng kalusugan. Suriing muli ang asukal sa dugo ng iyong anak sa loob ng 15 minuto para makasiguro na hindi na ito mababa. Kung mababa pa rin ito, bigyan ang iyong anak ng marami pang asukal na mabilis ang bisa. Kung nalilito, hindi tumutugon, walang malay, o nagkukumbulsyon ang iyong anak, maaaring mayroon siyang mababang asukal sa dugo. Gamutin kaagad ang iyong anak ng itinuturok na glucagon. Isa itong substansya na itinataas ang asukal sa dugo ng iyong anak nang napakabilis. Lagi kang magkaroon ng isang emergency kit na may panturok na glucagon. (Tuturuan ka ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano magturok ng glucagon.) Itanong sa tagapangalaga ng iyong anak ang tungkol sa nasal glucagon. Inaprubahan ito sa mga batang 4 na taong gulang at mas matanda.

Mababang asukal sa dugo: Kailan tatawag sa tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, tumawag sa 911, o pumunta sa emergency department ng ospital kung ang iyong anak ay mayroon ng alinman sa mga sumusunod na sintomas. Ang iyong anak:

  • Ay mahirap gisingin o hindi tumutugon

  • Nahihimatay (nahihilo)

  • May asukal sa dugo na mababa sa "mapanganib na numero" na ibinigay sa iyo ng tagapangalaga ng kalusugan

  • Nangangailangan ng glucagon

  • May kumbulsyon

Pamamahala sa mga turok

Maaaring mag-iba-iba ang dami ng insulin na kailangan ng iyong anak, at kung gaano kadalas ito kinakailangan. Kasama rito ang parehong mabagal ang bisa at mabilis ang bisa na insulin. Palaging kailangan ang basal o background insulin kumakain man o hindi ang iyong anak. Ina-adjust ang insulin na nakabatay sa pagkain da kung gaano karami ang kinakain ng iyong anak. May mga bagay na maaari mong magawa upang tulungan ang iyong anak na matutunan ang pagtuturok. Maaaring piliin ng iyong anak na:

  • Piliin ang lugar ng turok. Sa edad na ito, ang pinakamainam na lugar para sa mga turok na insulin ay sa matatabang bahagi ng:

    • Mga likod na bahagi ng itaas na mga braso

    • Mga gilid ng mga hita 

    • Tiyan (huwag magturok sa loob ng 2 pulgada ng pusod)

    • Pigi

  • Itulak ang plunger ng hiringgilya sa loob ng bote ng insulin.

  • Humatak ng insulin sa loob ng hiringgilya.

  • Iturok ang insulin. Hikayatin ang kooperasyon at interes sa pangangalaga sa diabetes.

Hingin sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak na turuan ka kung paano paikutin nang tama ang lugar ng iniksyon at kung paano lumayo mula sa mga lugar ng lipohypertrophy. Ito ay isang bukol sa ilalim ng balat sanhi ng pagtuturok ng insulin sa parehong lugar nang maraming beses. Itanong din ang tungkol sa tamang paraan ng pag-iiniksyon ng insulin at kung paano maiiwasan na iturok ang insulin sa kalamnan. Makakaapekto kung paano nasisipsip ang insulin ng aksidenteng pagtuturok sa kalamnan o sa isang lugar ng lipohypertrophy.

Pagkaya sa mga turok

Hindi pambihira na umiyak ang mga bata at mabalisa kapag tinuturukan. Pero karamihang bata ang mag-a-adjust nang napakabilis sa pangangalaga sa diabetes at sa huli ay magpapakita ng interes sa pagtuturok sa kanilang sarili. Huwag pilitin ang iyong anak kung hindi pa siya handa. Ang mga modernong insulin pen ay tumpak, madaling gamitin at halos hindi masakit kahit para sa mga batang may diabetes. Hindi kailanman dapat maramdaman ng iyong anak na ang pagsusuri ng asukal sa dugo at mga turok ng insulin ay "parusa".

Sa una, maaaring mayroon kang ilang alalahanin tungkol sa pagtuturok. Kung kinakabahan ka, maaari mong gustuhin na magsanay muna sa sarili mo. Magtanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa pagbibigay sa iyong sarili ng iniksyon ng sterile na saline para matutunan kung paano ang pakiramdam ng isang turok. (Kung natatakot ka sa mga karayom, maaaring makatulong na mawala ang iyong takot sa paggamit ng isang device sa pag-iiniksyon). Maaaring magdepende sa kung gaano kakumportable ka nagtuturok kung gaano kabilis na mag-a-adjust ang iyong anak. Ituring ang mga turok na karaniwang rutina. Inaprubahan ng FDA ang mga insulin pump para sa mga batang kasing bata ng edad na 2. Maaaring maging kapaki-pakinabang ang pump kung naging napakahirap na kontrolin ang asukal sa dugo. Nagbibigay ng tuloy-tuloy na insulin ang mga insulin pump. Nagbibigay rin ang mga ito ng dosis ng bolus na oras ng pagkain nang hindi kailangan ang iniksyon sa bawat pagkakataon.

Sa edad na ito, maaaring masiyahan ang iyong anak sa pagpunta sa "diabetes camp" sa tag-araw. Doon, makakasama niya ang iba pang batang may diabetes at mas matututunan ang tungkol sa diabetes sa ibang kapaligiran.

Pagkain at ang iyong anak

Tulungan ang iyong anak na matutunan ang tungkol sa mga pagkain na pinakanakakaapekto sa asukal sa dugo. Tandaan ang mga bagay na ito:

  • Tuturuan ka ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, nara, o tagapagturo sa diabetes tungkol sa mga carbohydrate. Ang mga carbohydrate ay mga pagkain na nagbibigay sa iyong anak ng enerhiya na kailangan niya para lumaki. Ngunit mas pinatataas at mas pinabibilis ng mga ito ang asukal sa dugo kaysa sa iba pang uri ng mga pagkain. Ngunit hindi lahat ng carb ay pareho. Ang mga komplikadong carb, tulad ng nasa mga gulay at buong butil, ay hindi nagpapataas ng mga lebel ng asukal sa dugo kumpara sa naproseso o mga simpleng carb, tulad ng nasa mga candy, cake, at juice. Matututunan mo ang tungkol sa “pagbibilang ng carb.” Isa itong paraan upang tulungan kang malaman kung ilang carbohydrate ang kinakain ng iyong anak araw-araw. Tumutulong sa iyo ang pagbibilang ng carb na magpasya kung gaanong insulin ang kailangan ng iyong anak.

  • Kapag pumasok ang iyong anak sa paaralan, isulat sa isang pirasong papel ang bilang ng carb ng bawat pagkain. Pagkatapos, ilagay ang papel sa loob ng lunch bag ng iyong anak. Tumutulong ito sa iyong anak at sa mga guro na malaman kung gaano karaming carbohydrate ang kinakain. Tutulong din ito sa iyong anak na matutong iugnay ang mga carbohydrate sa kanyang dosis ng insulin.

  • Tuturuan ka rin ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, nars, o tagapagturo sa diabetes tungkol sa taba at protina. Ang mga pagkaing may mas maraming taba at protina ay maaaring maging sanhi kaagad ng pagbaba ng asukal sa dugo pagkatapos kumain, o pataasin ito kinalaunan kaysa karaniwan. Matututuhan mo kung paano ayusin ang dosis ng insulin ng iyong anak upang makatulong na mapanatili ang mas matatag na asukal sa dugo depende sa nilalaman ng kanyang pagkain.

  • Tandaan na hindi mo maaasahang kumilos ang mga bata na gaya ng mga adulto! Bagama't maaaring kailanganin mong limitahan ang pagkain paminsan-minsan upang makontrol ang mga lebel ng glucose, walang pagkaing dapat na "ipagbawal." Kukuha nang palihim ang mga bata ng mga treat, lalo na yaong mga gusto nila. Kaya lutuin ang mga pagkain na gustong kainin ng iyong anak sa kanyang plano ng pagkain. I-adjust ang dosis ng insulin kung kinakailangan. Matututunan mong i-adjust ang insulin ng iyong anak batay sa kung ano ang kinakain niya.

Pisikal na aktibidad at ang iyong anak

Gaya ng pagkain at insulin, malaki ang tungkulin ng pisikal na aktibidad sa pagkontrol ng asukal sa dugo ng iyong anak. Tumutulong ang pagiging aktibo na mabawasan ang dami ng glucose sa dugo ng iyong anak. Ngunit maaaring maging sanhi ang sobrang aktibidad na sobrang bumaba ang asukal sa dugo ng iyong anak. Kaya mahalagang suriin ang asukal sa dugo ng iyong anak nang madalas kapag aktibo siya. Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak upang matutunan kung paano balansehin ang aktibidad ng iyong anak sa pagkain at insulin.

Ang paaralan at ang iyong anak

Dapat makatanggap ang iyong anak ng tamang pangangalaga sa diabetes at suporta sa paaralan:

  • Upang makasiguro na natutugunan ang mga pangangailangan ng iyong anak, isulat ang kanyang plano ng pangangalaga sa diabetes. Tinatawag ito kung minsan na isang "504 na plano." Sa pagsisimula ng taon ng paaralan, makipagkita sa mga guro at tauhan ng paaralan ng iyong anak. Ipaliwanag ang plano ng paggamot ng iyong anak.

  • Makipag-usap sa mga tauhan tungkol sa pangangailangan ng iyong anak na suriin ang mga lebel ng asukal sa dugo at magkaroon ng pagkain o mga inumin kung kinakailangan.

  • Dapat malaya ang iyong anak na kumain o uminom sa klase kung mababa ang kanyang asukal sa dugo.

  • Isang tao sa paaralan ang kailangang magsagawa o mamahala ng mga pagtuturok ng insulin ng iyong anak. Maaaring ito ay ang nars ng paaralan, kung mayroon.  

  • Kakailanganin ng iyong anak na magdala ng isang kit ng mga supply para sa diabetes. Kasama rito ang mga supply sa pagsusuri, mga gamot, at asukal na mabilis ang bisa para sa mga emergency.

  • Ipaalam sa paaralan na maaari pa ring maging aktibo at sumali ang iyong anak sa lahat ng aktibidad ng paaralan.

  • Matuturuan ang iyong anak ng kanyang tagapangalaga ng kalusugan kung paano sabihin ang tungkol sa diabetes sa mga kaklase.

  • Ipasuot sa iyong anak o dalhin ang medikal na ID na nagpapakitang mayroon siyang diabetes at kasama kung sino ang dapat kontakin kung sakaling magkaroon ng emergency.

    Batang babae na nagsusuri ng sugar sa dugo sa paaralan.
    Dapat na may dalang kit na may mga kagamitng pang-diyabetis ang iyong anak sa kaniyang paaralan at suriin ang kaniyang sugar sa dugo sa buong araw.

Naaapektuhan ng diabetes ang buong pamilya

Full-time na trabaho ang pangangalaga sa isang maliit na batang may diabetes. Kung minsan, maaaring maramdaman mong pagod na pagod o napupuspos. Maaari itong humantong sa burnout. Ibig sabihin ng pakiramdam na pagod na pagod na maaaring mas nahihirapan kang kontrolin ang asukal sa dugo ng iyong anak. Maaaring makatulong sa iyo ang mga bagay na ito:

  • Dapat na sangkot ang lahat ng adulto sa sambahayan sa pamamahala ng diabetes. Dapat na handa rin ang sinumang nag-aalaga sa iyong anak, gaya ng isang tagapag-alaga ng bata, para kontrolin ang diabetes ng iyong anak. Maaaring makatulong ang isang klase ng diabetes. Gayundin ang pagsali sa suportong grupo sa diabetes o pakikipag-usap sa isang social worker.

  • Maaaring magtagal para mag-adjust ang iyong pamilya sa pangangalaga sa diabetes. Sa simula, maaaring tila ang iyong anak na may diabetes ay nangangailangan ng mas maraming atensyon kaysa sa mga kapatid na walang diabetes. Subukang bigyan ang mga kapatid ng parehong atensyon. Makikinabang din ang iyong iba pang anak mula sa malusog na diyeta at sa mga aktibidad na sinusunod ng iyong anak na may diabetes.

Paggawa ng mga pag-a-adjust

Sa kabila ng iyong pinakamahusay na mga pagsisikap, kung minsan, maaaring sobrang mataas o sobrang mababa ang bilang ng asukal sa dugo ng iyong anak. Pero subukang tandaan na: Ang mga numero ay mga kasangkapan upang tulungan kang gumawa ng mga desisyon tungkol sa plano ng pamamahala ng iyong anak. Habang lumalaki ang iyong anak, mabilis na nagbabago ang kanyang katawan. Nangangahulugan ito na imposible ang perpektong pagkontrol sa asukal sa dugo. Hindi palatandaan ng pagkabigo ang mga pag-a-adjust sa plano ng pamamahala ng iyong anak. Ang mga ito ay normal na bahagi ng pangangalaga at pamamahala sa diabetes ng iyong lumalaking anak. Kahit ngayon, sa loob ng mga limitasyong ito, nagagawa ng karamihang pamilya na magkaroon ng napakahusay na pagkontrol sa asukal sa dugo.

Online Medical Reviewer: Dan Brennan MD
Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.